Alam kong mas matimyas ang panalangin at awit ng pusong sugatan
Salamat din sa panahon ng kapayapaan
Kung saan ang puso ko'y di man sugatan
Iyon ay dahil hindi Mo ako pinabayaan.
Maraming panahon na napakasarap magpuri at umiyak dahil ako'y nasasaktan
May panahon ding ang puso ko'y nasa payapang inaasam.
Salamat sa lahat ng oras
Maging ito ma'y pagsubok o pagpapasakop.
Salamat sa panahon ng kaligayan man o pagdarahop.
Sa lahat ng ito Ikaw ang hahanapin
Sayo lamang ang puso ko'y babaling.
No comments:
Post a Comment